-- Advertisements --

Ibinaba na ng mga otoridad ang alert level sa Mount Agung sa Indonesia kasunod ng pagsabog nito noong Biyernes ng gabi.

Ito’y kahit pa nadagdagan ang risk level laban sa nasabing bulkan kung saan libu-libong residente ang lumikas partikular sa isla ng Bali.

Sa kasalukuyan ay normal na rin uli ang operasyon ng mga international flights pero pinagbabawalan pa rin ang mga turista na lumapit sa area ng sumabog na bulkan.

Nabatid na ilang minutong nagbuga ng lava at mga bato ang Mt. Agung ng hanggang sa tatlong kilometro sa kalawakan kung saan ilang bahay ang nakaranas ng ash fall.

Suwerte naman na walang naitalang anumang injury.

Taong 1963 nang sumabog ang Mount Agung na nag-iwan ng mahigit 1,000 kataong patay. (BBC)