Nagbigay ng menu planning workshop ang Department of Health (DOH) para sa mga school canteen managers at operators kasabay ng balik eskwela ngayong linggo para sa academic year 2019-2020.
Ayon kay DOH-CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) regional director Dr. Eduardo C. Janairo, layunin nitong matiyak na ligtas ang mga pagkain na mabibili ng mga bata sa canteen ng paaralan.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa kampanya ng Department of Education (DepEd) na magkaroon lamang ng mga pagkaing kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng mga mag-aaral.
“School teachers play an important role in shaping a child’s mind in building their knowledge, skills and influencing their behavior, especially in eating nutritious foods and promotion of healthy diet. The role of the school canteen is to help in the promotion of healthy eating habits because most of the total nutritional daily intake of a student are acquired from foods sold in school canteens,†wika ni Janairo.
Ginanap ang workshop sa Pasay City na dinaluhan din ng ilang opisyal ng DepEd at mga paaralan.