-- Advertisements --

Inamin ng magkasintahan na sina Joshua Garcia at Julia Baretto na “on the rocks” ang kanilang relasyon.

Hindi rin ikinahiya ng dalawa na sabihing mas pinili muna nilang bumalik sa pagiging magkaibigan.

Pinabulaanan naman ng dalawa ang mga naglalabasang balita na hiwalay na sila.

Ayon kay Julia, masaya pa rin daw silang dalawa ngunit mas pinili muna nilang bumalik sa umpisa.

“Right now, we’re the bestest of friends. We have managed to remain the bestest of friends,” ani Julia.

Tinanggi naman ng dalawa na may kinalaman ang aktor na si Gerald Anderson na kamakailan lang ay na-link kay Julia.

Kaagad na pinagtanggol ni Joshua ang kaniyang kapwa aktor.

Humingi naman ng pang-unawa ang dalawa na hayaan na lang sa kanila ang dahilan kung bakit nila napagdesisyunan na maging magkaibigan muna ulit.