Ipinagmalaki ngayon ni US President Donald Trump ang matagumpay na kanilang one-on-one meeting ni Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Group 20 summit sa Japan.
Inaabangan kasi kung mareresolba nga ba ang trade war ng tinaguriang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo.
Ang pulong ng mga higanteng lider ay tinawag ng mga analysts at economists bilang pinakamahalaga sa G20 Summit sa Osaka.
Sa pagtaya nila kung lumala pa ang US-China trade war mas malala ang epekto nito sa world economy.
“We had a very, very good meeting with China. I would say probably even better than expected. The negotiations are continuing,” pagmamalaki Trump nang lumabas sa pulong.
Bago ang bilateral meeting ng dalawang lider, agad na sinabi ni Trump ang hangaring “historic deal” ukol sa ipinapataw na buwis sa kanila-kanilang mga produkto.
“It would be historic if we could do a fair trade deal. We’re totally open to it and I know you’re totally open to it. I think we can go on to do something that would be truly be monumental and great for both countries and that’s what I look forward to doing.”
Para naman sa Chinese president ipinaalala nito ang pamosong “ping pong diplomacy” noong dekada sitenta na nagpasimula sa table tennis tournament bago nabuo ang relasyon ng kanilang mga bansa.
Binigyang diin ni President Xi sa kanyang preliminary message na mas maganda na magkaroon sila ng kooperasyon kaysa komprontasyon.
“Forty years on, enormous change has taken place in the international situation and China-US relations,” wika pa ni Xi bago ang bilateral meeting. “But one basic fact remains unchanged. China and the United States both benefit from cooperation and lose in a confrontation. Cooperation and dialogue are better than friction and confrontation.”
Ang dalawang lider ay nakatakdang magpalabas pa ng official statement ngayong araw.