Pinaplantsa na ng Department of Tourism (DoT) at stakeholders ang mga hakbang para mapayagan ang mga hotels na makabalik sa operasyon sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na regular silang nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at maging sa mga pribadong grupo.
Ayon sa Philippine Hotel Owners Association, Inc, hangad nilang mabigyan ng “go signal” ngayong Hunyo.
Pagtitiyak nila, mahigpit na paiiralin ang health protocols at iba pang direktiba para sa pag-iingat.
Sa panig naman ng Air Carriers Association of the Philippines, noong Abril pa sila nagbigay ng kopya ng “safety protocols” para sa air travel, kaya ngayon ay may mga pinapayagan nang domestic at outbound international flights.
Mungkahi naman ni Sec. Puyat, hangga’t maaari ay gamitin ang teknolohiya para sa “contactless transactions.”