-- Advertisements --

Balik operasyon na ang ilang mga sinehan sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang isa sa pinakamalaking mall sa San Juan City matapos na payagan na ang pagbubukas ng mga sinehan mula ng ilagay sa alert level 2 ang NCR dahil sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases at mataas na vaccination rate sa rehiyon.

cinema moviehouse san juan

Kaugnay nito, pinangunahan ni City Mayor Frncis Zamora ang pag-inspeksiyon sa mga ipapapatupad na health and safety protocols sa may Greenhills Promenade Cinema gaya ng pagsasagawa ng disinfection sa establisyemento at ang procedure ng pagbili ng tickets bago ang pagpasok sa mga sinehan o online.

Kabilang din ang bagong patakaran sa seating arrangement na may istriktong physical distancing at ang panuntunan ng actual movie viewing sa ilalim ng new normal.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng moviegoers gayundin ng mga empleyado ng mga establisyemento.

Sa ilalim ng IATF guidelines, pinapayagan ang mga sinehan na mag-operate ng hanggang 50% maximum venue capacity subalit ang mga fully vaccinated na manonood ay papayagang makapasok sa sinehan.