Mahigit sa 7,500 mga sundalo mula sa Estados Unidos at AFP ang kalahok sa Ph-US Balikatan Exercises 2019.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal, mas malaking contingent ngayon ang kalahok sa taunang war games.
Sa datos ng AFP, nasa 3,500 US forces, 4,000 sa AFP at nasa 60 personnel mula sa Australian Defense Force ang lumahok.
Kinumpirma din ni Madrigal na mayroon din mga bansa ang nagpadala ng kanilang mga observers gaya ng United Kingdom, Japan, New Zealand at iba pa.
Binigyang-diin ni Madrigal na malaki ang pagkakaiba ng joint RP-US wargames dahil maraming mga bago ang isinama gaya ng paggamit ng makabagong teknolohiya at mga equipment.
Nilinaw naman ni Chief of staff na bawat taon nag iiba-iba ang mga aktibidad gaya na lamang ng humanitarian assistance and civic action event, command exercises at iba pa.
Magugunita na ayaw kasi ng Pangulong Rodrigo Duterte na makasama ang US lalo na sa mga usaping may kinalaman sa territorial defense.
“Puro lang ito simulation of to determine the interoperability of structures and processess and eventually ‘yung exercise with the troops, kasama din ‘yung amphibious landing saka diyan din nae-exercise yung ating territorial defense scenarios,” paliwanag ni Madrigal.
Siniguro ni Madrigal na mas malaking Balikatan exercises ang magaganap sa susunod na taon.