Muling binigyang-linaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kinalaman ang Balikatan exercises 2024 sa mga ginagawang pananalakay ng mga Chinese sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang balikatan 2024 ay isang taunang joint military exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipino, subalit magkakaroon ito ng mga observers mula sa ibat ibang mga bansa.
Sinabi ni Padilla na layon ng nasabing joint military exercise na palakasin pa ang defense capabilities at alyansa ng dalawang bansa.
Aniya, walang pinatutukan na anumang bansa ang Balikatan exercises.
” Its primary objective is to enhance collective security and readiness among participating nations,” mensahe ni Col. Padilla.
Samantalam binigyang-diin din ni Padilla na bawat taon may kakaiba sa mga ginagawang Balikatan exercises.
Ito ay dahil nag e-evolved mula sa tactical hanggal sa operational level of war.
Target ng Pilipinas at Amerika na mapaigting pa ang interoperability ng dalawang armed forces, palakasin ang alyansa at lalo pang laliman ang regional security cooperation.
Aniya ang Balikatan kasi ay pagpapakita ng combat readiness at interoperability sa mga treaty allies.
” Our focus remains on bolstering external defense capabilities and fostering peace and stability in the Indo-Pacific region,” dagdag pa ni Col. Padilla.
Samantala, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa 14 na mga bansa ang makikiisa para maging observer.
Ayon sa AFP, ang mga bansa na makikiisa bilang mga observers ay ang Brunei, Canada, France, Germany, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand, United Kingdom, at Vietnam.
Tinatayang nasa 16,000 ang magiging kalahok sa Balikatan 39-2024 na magsisimula bukas April 22 hanggang May 10,2024.
Inihayag din ng AFP na bukod sa mga sundalong Pilipino at Amerikano, makikiisa din ang Australian Defense Force sa gagawing joint sail maneuvers at sa kauna-unahang pagkakataon lalahok din ang French Navy.