Naniniwala ang isang United States Marine general na magsisilbing “perfect training ground” para bagang defense Concept ng ating bansa ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa gitna ito ng mas umiigting pang tensyon sa bahagi ng West Philippine Sea na teritoryo ng Pilipinas na patuloy na pilit inaangkin ng China.
Ayon kay 1 Marine Expeditionary Force Commanding General LTGen. Michael Cderholm, ang nagpapatuloy na joint military exercises ngayon sa pagitan ng dalawang bansa ay malaki ang maiaambag sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept na isinusulong ng Department of National Defense.
Lalo na aniya ay nakasentro sa pagsasagawa ng Integrated air missile defense, cyber defense, at iba pang drills ang nasabing pagsasanay bilang bahagi ng paghahanda ng kasundaluhan laban sa mga external threats.
Kung maaalala, bukod sa Amerika ay makakasama rin ng Pilipinas ang iba pang mga kaalyadong bansa tulad ng Australia, France, at iba pa sa mga aktibidad na kabilang sa Balikatan Exercises 2024 na inaasahang magtatagal hanggang Mayo 10, 2024.