-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binigyang-diin ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nananatili pa rin ang kanilang inilabas na mga advisory laban sa ilang mga investment scams.

Ito’y matapos lumabas sa social media ang iilang impormasyon na tinanggal na umano ng tanggapan ang cease and desist orders at maaari na daw umano itong mag-operate ang Crowd1 Asia Pacific Inc. at KAPA Ministry International.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay SEC Davao-OIC Director Atty. Katrina Ponco-Estares, kanila ring binabantayan ang mga korporasyon at mga kumpanyang hindi rehistrado sa SEC at kanilang iniimbestigahan ang anumang balita ng investment activities mula sa mga ito.

Umaapela rin ito sa mga mamamayan na bisitahin ang kanilang website upang ma-update kaugnay sa mga ilegal na investment scam.