-- Advertisements --
LAOAG CITY – Iginiit ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na walang katotohanan ang isang social media post patungkol sa magkasintahang sina Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc at Miss Earth 2014 Jamie Herrell.
Nakasaad kasi sa nasabing Facebook post na magpapakasal na raw sina Gov. Manotoc at Herrell sa Enero 8, 2021.
Ayon kay Rhona Ysabel Daoang, information officer ng provincial capitol, ipapaalam naman sa publiko sakaling maging engaged na ang gobernador at ang beauty queen.
Maging si Gov. Manotoc ay nagkomento sa naturang post kung saan hiniling nito na tanggalin ang maling impormasyon.