Humiling ngayon ng mga dasal si dating senador at dating Manila mayor Alfredo Lim matapos itong isugod sa ospital sa hindi pa malamang dahilan.
Sa social media post ni Ric de Guzman, chief of staff ni Lim, sinabi nito na kasalukuyang naka-confine sa isang pagamutan ang 90-anyos na si Lim.
“Please give us some moments of privacy as we focus on Mayor Lim’s swift recovery from his current illness. We thank all those who have expressed concern and offered prayers for him and us during these trying times. Please continue praying for him as we all do. Mayor Lim is very much alive although he is confined in a hospital now. In fact, he’s making good progress as of this statement. I hope this puts to rest all misinformation that he had passed away and a stop to negative speculations about his health. It is not helping him and the family any. Thank you.”
Mariin ding itinanggi ng asawa at mahal sa buhay ng dating alkalde ang kumalat na pahayag sa social media na binawian na ito ng buhay.
Naging abala din umano si Lim sa pag-iikot bago ang outbreak ng COVID-19 pandemic kung saan nakipagkita pa ito kay Mayor Isko Moreno sa ilang okasyon.
Pinag-aaralan na rin aniya nila ang kanilang magiging susunod na hakbang laban sa mga nagpakalat ng balitang sumakabilang-buhay na ang dating alkalde.
Kung maaalala, si Lim ay nanilbihang alkalde ng Maynila mula 1992 hanggang 1998, at 2007 hanggang 2013.
Umupo rin bilang senador si Lim mula 2004 hanggang 2007.