Pinahiya ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets sa sarili nitong court, sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang guard na si LaMelo Ball.
Sumandal ang Hornets sa 37 points 13 assists performance ni Terry Rozier na ibinabad ng 40 mins sa buong game. 23 points naman ang naging kontribusyon ni Miles Bridges habang 22 points kay Gordon Hayward.
Para sa Nets, mistulang binuhat ng bench player na si Cam Thomas ang koponan sa pamamagitan ng 26 points, habang 20 points 14 rebounds naman ang kontribusyon ng bagitong Sentro na si Nic Claxton.
Naging gitgitan ang laban ng dalawa mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng laban kung saan kapwa gumawa ng 50% na field goal percentage ang mga ito.
Gayonpaman, nagsilbing bentahe ng Charlotte ang maganda nitong performance sa free throw area kung saan nagawa nitong makapagpasok ng 16 points mula sa 16 attempts habang 10 points lamang ang naging sagot ng Nets, mula sa 15 attempts nito.
Ang naging panalo ng Hornets ay ang ika-anim na ngayong taon, habang hawak ang 11 losses.
Nasa 9 – 9 naman ang kartada ng Nets