-- Advertisements --

Nagpapatuloy na ang printing ng official ballots at iba pang forms ng Comelec para sa June 29, 2024 sa isang plebisito.

May kaugnayan ito sa territorial boundaries ng 20 barangays ng Las Piñas City na may usapin ukol sa Approved Cadastral Survey ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang nasabing mga plebisito ay magsisilbing paraan upang masubukan ang mga sistema sa halalan na maaaring magamit sa 2025 national and local elections.

Bilang transparency effort, binuksan ng poll body sa observers ang actual printing of ballots at iba pang mga dokumento.

Ginaganap ang paglilimbag sa National Printing Office (NPO) sa Diliman, Quezon City.