-- Advertisements --

LAOAG CITY – Imbes na malinis na tubig ay gasolina ang makukuha sa mga balon ng ilang bahay sa Barangay 5 sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan nga Ilocos Norte dahil sa nag-leak na gasoline station.

Ayon kay Barangay Chairman Francisco Bagay Jr. sa nasabing barangay, umabot na sa 11 bahay ang apektado sa nangyari.

Aniya, unang lumabas nga isyu noong Nobyembre sa nakaraang taon kung saan dalawang bahay pa lamang ang apektado, pero habang tumatagal at nito lamang nakaraang mga araw ay 11 bahay na ang naapektuhan ng kanilang balon.

Dahil dito, agad pinatigil ang operasyon ng nasabing gasoline station at sa pagtungo ng may-ari sa mismong opisina ni San Nicolas Mayor Mike Hernando ay pumayag itong tutulungan ang mga apektadong residente sa pamamagitan ng pagpapakabit nito ng linya ng tubig sa kanilang mga bahay mula sa Prime Water Corporation.

Nangako naman si Mayor Hernando na kapag maayos na ang lahat at makapag-comply na rin ang gasoline station sa lahat ng kailangang recquirements ay pwede na ring itong mag-operate muli.