-- Advertisements --
Nagmatigas si Baltimore Mayor Bernard Young na hindi ito magbabayad ng ransom sa mga computer hackers na nambiktima sa kanilang computer system.
Na-paralyzed kasi ng mga cyberhackers ang malaking bahagii ng computer network ng kanilang bansa.
Humihingi ng $100,000 na halaga ng bitcoin ang mga hackers para maibalik sa normal ang kanilang computer system.
Ang Baltimore ay siyang pinakahuling estado na nabiktima ng ransomware.
Nauna ng nabiktima ang Atlanta, Georgia at San Antonio.
Tinarget ng mga hackers ang Microsoft Windows operating system na naiblock ang computer system ng city hall at maging ang mga online sales at real estate sales.