GENERAL SANTOS CITY – Lubhang apektado ang ilang balut vendor sa sobrang init ng panahon.
Sinabi ni Kapitan Dennis Besa ng Barangay Baluan sa lungsod ng Heneral Santos na tumigil na sa pagtitinda sa ‘Balutan sa Baluan’ ang ilang balut vendor.
Ayon naman kay Victor Vergado, Presidente ng Baluan Duckers Association na mahal ang supply ng balut ngayon lalo na’t mainit ang panahon at dahil dito ay wala nang magandang lugar na mapangitlog ang mga bibe dahil wala nang mga palay.
Kaya aniya, naapektuhan din ang Barangay dahil isa ang Barangay Baluan na ang produkto ay balut kung saan dinadayo ng mga tao.
Sa kasalukuyan, nasa P25.00 ang bentahan ng bawat piraso ng balut kumpara sa dating presyo nito na P18.00 lamang.
Inaasahang mas tataas pa ang presyo ng bawat piraso ng balut hanggang sa buwan ng Setyembre.