Nais umano ng nasibak na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan na magkaroon ng isang “impartial investigation†ukol sa pagkakasangkot nito sa “seryosong” alegasyon ng korupsyon.
Pahayag ito ni Balutan matapos itong sibakin ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ng gabi dahil sa katiwalian.
“I told all PCSO employees when I assumed as general manager in 2016 that if somebody from the Office of the President/Congress asks/orders me to do something which I cannot stomach, I will resign,†saad ni Balutan.
Sinabi rin ni Balutan na kumbinsido itong may ilang mga makapangyarihang indibidwal ang may pakana kung bakit ito nasipa sa kanyang puwesto.
Ani Balutan, tinawagan daw siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsabing may ilang kataong gusto siyang mawala sa PCSO.
Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo, inihayag ni Balutan na ipinagmamalaki nito ang kanyang naging desisyon at siya ay nananatiling taas-noo.
Una nang sinabi ng Malacañang na maaaring agad na masampahan ng kaso si Balutan kung may korupsyon at may ebidensya.
Samantala, iginiit ng kilalang matinding kritiko ni Balutan na si PCSO Board Member Sandra Cam sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patuloy umanong bumababa ang revenue ng ahensya dahil sa hindi masingil-singil ni Balutan ang mga mistah nito sa Philippine Military Academy na binigyan ng prangkisa upang makapag-operate bilang Authorized Agenct Corporation (AAC).