-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na kakasuhan din si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan maliban sa pagkakatanggal nito sa pwesto kaugnay sa isyu ng korupsyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung may korupsyon at may ebidensya, agad isasampa ang kaso laban kay Balutan.

Ayon kay Sec. Panelo, dapat maghintay lang si Sen. Lacson at huwag masyadong “atat” na makasuhan si Balutan.

Una rito, hinikayat ng ilang mambabatas ang Malacañang na panagutin si Balutan kaugnay sa alegasyon ng korupsyon habang siya ang general manager ng PCSO.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, dapat kasuhan ng Malacañang si Balutan sa paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Sen. Lacson, noon pang nagsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa korupsyon sa PCSO sa ilalim ng pamamahala ni Balutan, nagtataka na raw siya kung ano na ang nangyari sa heneral.

Kaya kung pagbabatayan daw ang mga data na nakalap ng kanyang komite sa mga isinagawang pagdinig, naniniwala siyang may batayan ang pagsibak kay Balutan.

“When we conducted senate hearings on the possible corruption in the PCSO under his watch in relation to STL (small-town lottery) operations, I kept asking myself – what has happened to this man? If only his demeanor and other data gathered by our committee in those hearings, I am inclined to think there is basis in his sacking as PCSO Gen. Manager,” ani Lacson sa kanyang statement.

Inihayag naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat noon pa tinanggal sa pwesto si Balutan dahil sa paglustay ng PCSO ng P6 million para sa kanilang Christmas party noong 2017.

“This guy should have been removed sooner – unconscionably spending 6 million pesos on a grand Christmas party. The money was meant to help indigents who are lining up [at] PCSO’s door steps,” ani Gatchalian.