-- Advertisements --

(Update) Kinumpirma ng Malacañang na tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa seryosong alegasyon ng katiwalian.

Taliwas ito sa unang pahayag ng tanggapan ni Balutan na siya ay nagbitiw sa pwesto dahil sa personal na rason.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa silang magsisilbi itong babala sa lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan na walang sinasanto si Pangulong Duterte sa usapin ng korupsyon.

Ayon kay Sec. Panelo, ang kampanya laban sa katiwalian gaya sa iligal na droga ay walang humpay sa ilalim ng administrasyon.

Iginiit ni Sec. Panelo na mabuting pamamahala at accountability ay pangunahin sa agenda ni Pangulong Duterte.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte has terminated the services of Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan on his present post due to serious allegations of corruption,” ani Sec. Panelo.

“We hope that this will serve as a stern warning to all government officials and employees that there are no sacred cows in the current administration, especially when it comes to serving the Filipino people with integrity and loyalty.”

Una rito, sinabi ni Florante Solmerin, deputy spokesperson ng Office of the General Manager, minabuti ni Balutan na magbitiw sa pwesto dahil sa umano’y personal na rason.