-- Advertisements --
(Update) DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-11) kung ano ang dahilan nang pagkamatay sa isang balyena na napadpad sa Calderon Seaside, Kilometer 22, Bucana, Bunawan District, Davao City kahapon.
Ngunit naniniwala ang mga otoridad na posibleng namatay ito sa dynamite fishing dahil sa mga sugat na makikita sa katawan nito.
Isinantabi naman ng otoridad na posibleng basura ang dahilan ng pagkamatay nito dahil walang narekober sa loob ng tiyan ng balyena.
Nabatid na sa nakaraang linggo, isang balyena rin ang napadpad sa Mabini Compostela Valley kung saan nakuha sa loob ng tiyan nito ang 40 kilos ng mga plastic na basura na itinuturong dahilan ng pagkamatay nito.