-- Advertisements --

Naniniwala pa rin si outgoing Senator Paolo Benigno Aguirre Aquino IV na may ibang plano ang Panginoon para sa kanya sa kabila ng kabiguan nito sa May 13 elections.

Nabatid na nag-concede o tinanggap ni Bam ang pagkatalo bago pa man ang proclamation of winning senatorial candidates kaninang umaga sa Philippine International Convention Center.

Ayon kay Aquino, isang karangalan na makapagsilbi sa bansa bilang senador sa loob ng anim na taon at ipagpapatuloy niya ito kahit sa ibang larangan.

“Bago pa man ang araw ng eleksyon, ipinaubaya ko na sa Diyos ang resulta. At buo pa rin ang tiwala ko sa Kanyang plano para sa akin at higit sa lahat, para sa ating Bayan,” bahagi ng statement nito.

Kung maaalala, pang-14 si Bam sa final tally ng National Board of Canvassers kung saan nakahakot ito ng 14.1 million votes at nasa ilalim ng Otso Diretso opposition coalition.

Walang senatorial candidate mula sa opposition slate ang nanalo ngayong halalan.