Mariing itinanggi ni Bamban Mayor Alice Guo na espiya siya ng China.
Nangako din si Guo ng kaniyang katapatan sa Republika ng Pilipinas.
Iginiit din ng alkalde na wala siyang kinalaman sa iliegal na operasyon ng POGO firm sa Baofu compound na sakop ng kanilang munisipyo bagamat ipinagmalaki nito ang mga benepisyo ng naturang kompaniya sa kanilang bayan.
Inamin din ng alkalde na ang kaniyang tunay na ina ay kanilang kasambahay na iniwan siya noong bata pa lamang si Guo.
Ang pag-amin aniyang ito ay alang-alang sa mga kababayan niyang nagtitiwala, nagmamahal sa kaniya ng buong tapang.
Umaasa din si Mayor Guo na lumitaw ang kaniyang tunay na ina upang matigil na ang pagdududa siya ay isang espiya.
Matatandaan na sa pagdinig sa Senado sinabi ni Guo na hindi niya kilala ang kaniyang ina at tanging kilala ang kaniyang ama.
Kasalukuyang ngang iniimbestigahan ng Senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontoveros ang alkalde dahil sa posibilidad na Chinese asset ito na sinanay para pasukin ang gobyerno ng PH.