Nagsumite si Bamban Mayor Alice Guo ng clarification letter sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa palasyo ng Malakanyang.
Ang sulat na naka-address kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na siyang Chairperson ng PAOCC ay isinumite ng mga abogado ni Guo sa Records Office ng Palasyo.
Laman ng liham ang paglilinaw ng alkalde na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya na pagkakasangkot sa money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na may kaugnayan sa Baofu Land Development Inc. at POGO operations sa Bamban.
Hiling ng kampo ni Mayor Guo sa PAOCC na magsagawa ng masusi at patas imbestigasyon.
Kumpiyansa si Guo na kung masusing masusuri ang impormasyon ay mapatutunayang wala siyang kinalaman sa lahat ng akusasyon laban sa kanya.
Tiniyak rin nito na handa siyang makipagtulungan sa anumang proseso ng imbestigasyon at magbigay ng anumang kinakailangang dokumento o testimonya para linisin ang kanyang pangalan.
Mariing pinasinungalingan ni Mayor Guo ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Dagdag pa nito na bilang isang alkalde ng isang bayan hindi umano otomatiko na siya ay sangkot sa anumang mga iligal na aktibidad.