Maaaring makasuhan ng perjury si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung mapapatunayan na hindi talaga ito Filipino citizen ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.
Sa isang panayam sa Comelec chief, ipinaliwanag nito na nanumpa sa mismong Certificate of Candidacy (COC) si Mayor Guo.
Subalit sinabi din ni Garcia na walang tumutol o naghain ng disqualification case noong kandidato pa lamang si Guo maging noong nagparehistro ito noong Abril 2021 kayat inaprubahan ng Election Registration Board.
Ayon sa poll body chief na sa ilalim ng batas, tanging ang mga mamamayang Pilipino lamang ang maaaring kumandidato para sa public office.
Paliwanag pa ni Garcia na hindi minamandato ng Comelec ang isang kandidato ng iba pang requirements para patunayan ang kanilang edad o nasyonalidad bukod sa kanilang sinumpaang panunumpa sa pahahain ng kanilang kandidatura.
Hindi rin aniya maaaring tanggihan ng Comelec ang COC ng isang kandidato nang walang disqualification o cancelation case na inihain ng isang rehistradong botante.
Una rito, nag-ugat ang kaso ni Mayor uo matapos na makabit ang kaniyang pangalan sa Philippien Offshore Gaming Operator na sinalakay ng mga awtoridad sa unang bahagi ng Marso sa mga kaso may kaugnayan umano sa human trafficking at serious illegal detention, bagay na una ng itinanggi ng Alkalde.