-- Advertisements --
Tuluyan nang tinanggal sa puwesto ng Office of the Ombudsman si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Batay sa resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng sapat na batayan para alisin ang alkalde sa kaniyang kapangyarihan.
Una rito, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension ang Bamban mayor.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, gumawa sila ng isang task force upang imbestigahan ang umano’y koneksyon ni Guo sa mga iligal na gawain ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.
Maging ang Comelec at National Bureau of Investigation (NBI) ay gumawa rin ng hiwalay na pagsisiyasat ukol naman sa kaniyang identity.