-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na aalisin din ang ipinatupad na ban sa mga government trips patungong Canada sa oras na matapos na ang isyu sa mga basurang iligal na naipasok sa Pilipinas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos kumpirmahin na nagpalabas ng memorandum order hinggil sa travel restriction sa Canada kasunod ng kabiguan sa May 15 deadline na maibalik sa kanilang bansa ang tone-toneladang basura

“Hopefully I think yes, if there is no more reason to be pissed off by their actions,” saad ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa CNN Philippines.

Dagdag pa ni Panelo na inabisuhan din ang mga pinuno ng bawat ahensya ng gobyerno na bawasan ang kanilang official interaction sa Canadian government.

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanap ng private shipping company na magdadala sa tone-toneladang basura sa loob ng teritoryo ng Canada.

Kung hindi raw tatanggapin ng Canada ang mga basura, iiwan ito sa kanilang karagatan o 12 nautical miles mula sa baseline ng alinman sa kanilang baybayin.

Sasagutin ng gobyerno ng Pilipinas ang gagastusin sa nasabing shipment.