-- Advertisements --

Nagbabala ang anti-tobacco watchdog na BAN Toxics sa publiko laban sa mga kiddie bags na may presensya ng lead toxic na binebenta sa Divisoria.

Ginawa ng grupo ang naturang pahayag ilang linggo bago ang pagsisimula ng pasukan para sa mga pampublikong paaralan sa huling bahagi ng Hulyo.

Ayon sa BAN Toxics, ang ganitong mga produkto na may toxic chemical say nakakabahala lalo na sa kalusugan ng mga bata

Pinaalalahanan rin ng grupo ang mga magulang na suriing mabuti ang product information kung ito ba ay may presensya ng kemikal.

Gamit ang Vanta C Series HH XRF Analyzer, sinabi ng grupo na sinuri nito ang mga sample ng school bag mula sa mga colorful designs , painted fabric , kabilang ang mga zipper, at nakakita ng nakakalason na antas ng lead na aabot hanggang 11,900 parts per million.

Ang mataas na antas ng pagkakalantad ng mga bata sa naturang chemical ay maaaring makapinsala ng husto sa kanilang utak at central nervous system.

Ito ay maaaring maging sanhi ng coma, convulsion, at maging ng kamatayan.

Dahil dito, hinimok ng grupo ang mga magulang na huwag lamang isaalang-alang ang presyo ng mga bag sa pagbili ng mga school supplies para sa kanilang mga anak.