-- Advertisements --

Muling nanawagan ang environmental NGO na BAN Toxics ng agarang pagtugon sa sa problema ng climate change at plastic pollution sa Pilipinas.

Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng nalalapit na pag-obserba ng World Health Day sa Hunyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Jam Lorenzo, BAN Toxics Policy Development and Research Officer, maaari kasing makakuha ng mas malalaking epekto sa kalusugan ng tao ang mataas na heat index sa bansa.

Ito ay sanhi aniya ng plastic pollution na kalimitang nagiging sanhi ng cancer, endocrine disruption, at cognitive impairments.

Ayon kay Lorenzo, ang pag-init ng klima ay nakakabawas sa mga properties ng plastics,  nagpapabilis sa kanilang pagtanda, nagpapataas ng panganib ng microplastics, at naglalabas ng mga mapanganib na sangkap.

Kaugnay nito ay sinabi ng opisyal na malaki ang dalang panganib ng microplastics.

Kabilang na rito ang metabolic disorders, neurotoxicity, at ang developmental toxicity.

Nanawagan rin ang grupo sa mga law makers na tiyaking mabigyan ng prayoridad ang pagpapatupad ng comprehensive national ban sa single-use plastics.