-- Advertisements --
US Sen. Dick Durbin
IMAGE | US Sen. Dick Durbin/MyStateline

Inaprubahan na ng isang komite sa Senado ng Amerika ang panukalang amiyenda nito sa batas na nagba-ban sa mga Pilipinong opisyal na nasa likod ng pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.

Ikinatuwa ni Illinois state Sen. Dick Durbin ang pagpasa Committee on Appropriations sa panukalang inidorso nila ng kapwa mambabatas na si Vermont state Sen. Patrick Leahy.

“Good to see the Senate Appropriations Committee pass my amendment with @SenatorLeahy today to prohibit entry to any Philippine Government Officials involved in the politically motivated imprisonment of Filipina Senator Leila de Lima in 2017. We must #FreeLeilaNow,” ani Durbin sa kanyang Twitter account.

Suportado ng mga senador ang panawagang palayain si De Lima na nakulong noong 2017 dahil sa pinaghihinalaang ugnayan nito sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Bukod kina Durbin at Leahy, naghain din noon ng resolusyon ang Democratic lawmakers na sina Florida state Sen. Marco Rubio, Massachusetts Sen. Ed Markey, at Delaware Sen. Chris Coons para kondenahin ang itinuloy na detensyon ng senadora.