-- Advertisements --
Banac
PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac

Kinumpirma ng PNP na dismayado umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng kontrobersiyang dulot ng ninja cops na kinasangkutan din ni dating PNP chief Oscar Albayalde.

Ayon kay PNP spokesperson Brrg. Gen. Bernard Banac, inilabas ng Pangulo ang kaniyang sama ng loob sa isinagawang joint AFP-PNP command conference sa MalacaƱang noong nakalipas na Martes.

Ayon kay Banac, inilabas ng Pangulo ang kaniyang pagkadismaya sa PNP.

Ito’y sa kabila ng tulong at suporta na kaniyang ibinibigay sa organisasyon lalo na ang pagtaas ng sweldo at pagbibigay ng mga kagamitan.

“Hindi naman natin ipagkakaila nagkaroon ng malaking isyu na kinaharap ang PNP tungkol sa isyu ng agaw bato at di umano’y police na ninja cops na patuloy pa ring nasa serbisyo at itoy nakaapekto sa tiwala ng ating mamamayan. Ito ang nagbunsod sa panguuuulo na magpahayag ng pagkadismaya,” wika ni Banac.