-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kaugnay ng paghahanda sa itatatag na Banana Flour Processing Plant sa Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP), Barangay Pag-asa, M’lang Cotabato, isang Banana Industry Stakeholders Consultation Dialogue ang isinagawa sa Capitol Rooftop, Amas Kidapawan City, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPag).

Hangarin ng pagpupulong na alamin ang estimated volume ng annual banana production ng probisya para masiguro na sapat ang supply nang saging para sa operasyon ng Banana Flour Processing Plant sa CAIP.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Mendoza na maisakatuparan ang proyektong CAIP upang matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan kabilang na ang banana industry na kinikilala bilang isa sa top agricultural commodities ng probinsya.

Sa kanyang mensahe nagpasalamat si Governor Mendoza sa lahat ng mga dumalo sa pagpupulong upang mapag-usapan at mapagtuunan ng pansin ang mga suliranin ng industriya ng saging at upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng Banana Flour Processing Plant sa lalawigan.

Dagdag pa nito na ang tanging hangarin niya ay ang maparotektahan ang kapakanan ng bawat magsasaka at matulungan na madagdagan ang kanilang kita.

Bilang suporta naman sa adbokasiya isinusulong ng gobernadora na maprotektahan ang industriya ng saging, livestock, poultry at iba pang commodities laban sa anong mang sakit na maaaring makapasok sa probinsya, dalawang resolusyon ang planong ipasa ng Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) sa pamumuno ni Chairman Angel M. Cervantes, Jr., ito ay mga sumusunod:

  1. Resolution requesting Department of Public Work and Highways (DPWH) to allow provincial government or Department of Agriculture to construct a quarantine facility along the entry points of the province of Cotabato at
  2. Resolution to fully support the project of the Provincial Government under the leadership of Governor Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza the establishment of Banana Flour Processing Plant at the Cotabato Agro-Industrial Park.

Labis naman ang pasasalamat ng mga stakeholders na dumalo sa consultation dialogue at umaasang maging matagumpay ang programang ipapatupad ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Banana Industry Stakeholders Consultation Dialogue ay dinaluhan ng mga stakeholders na kinabibilangan ng banana producers, traders at processors mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Sangguniang Panlalawigan Committee Chairman on Agriculture Environment and Food BM Jonathan M. Tabara, BM Joemar S. Cerebo, Asian Development Bank Consultant Louie Pacana, Serbisyong Totoo Consultants Amalia J. Datukan, Samson Mate, Amina J. Datukan, Acting Provincial Agriculturist (OPag) Remedios M. Hernandez, kasama ang ilang mga kawani ng OPag.