-- Advertisements --
Honorio Banario
Honorio Banario/ FB post

Walang magiging problema para kay Honorio Banario kahit na pinalitan na ang kaniyang kalaban.

Unang naka-schedule na makakalaban sana ng Pinoy MMA fighter si Timofey Nastyukin sa ONE Lighweight World Grand Prix subalit ito ay pinalitan ni Dae Sung Park.

Nagtamo kasi ng knee injury si Nastyukhin kaya ipinalit si Park.

Huling lumaban si Park noong Hulyo 12 ng patumbahin si Kimihiro Eto.

May record si Banario na 14 na panalo , walong talo habang si Park ay mayroong 9-2 win-loss record.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Agosto 2 sa Mall of Asia Arena.