-- Advertisements --
Honorio Banario
Honorio Banario/ FB post

Matinding paghahanda na ang ginagawa ngayon ni Team Lakay fighter Honorio Banario laban sa Russian fighter na si Timofey Nastyukhin.

Isasagawa kasi sa Agosto 2 ang laban ng dalawa para sa semis ng ONE Lighweight World Grand Prix.

Ayon sa coach ng Team Lakay na si Mark Sangiao, na hindi magiging problemang talunin ang Russian fighter dahil dalawang beses na itong natalo sa kaniyang career.

Kailangan aniya ay unahan na lamang ito ni Banario.

Mahalaga aniya ang matinding ensayo para hindi basta matalo ang Filipino MMA fighter.