GENERAL SANTOS CITY – Kahit saan mang lugar isagawa, muling pinatunayan ng Bomboradyo Bancarera na nananatiling ”crowd drawer’ na aktibidad sa mga pagdiriwang lalong-lalo na sa mga kapiyestahan.
Itoy matapos dinagsa ng maraming tao ang Bomboradyo Bancarera Kasadyaan Festival Edition na isinagawa sa Ladol Beach, Alabel Sarangani Province.
Ang banca rider mula sa Bunawan Davao Occidental ang naging champion sa pammagitan ni Romel Salem kung saan tumanggap ito ng P40,000 cash, ang 1st runner-up ay si Justin Grado na taga Santa Maria Davao Occidental na tumanggap naman ng P20,000 cash.
Kung maaalala na si Grado ang siyang naging champion sa Bomboradyo Bancarera Tuna Festival Edition noong September 2,2023.
Habang ang 2nd runner up ay si Marvin Roldan na taga Governor Generoso na tumanggap ng P10,000 cash.
Kahit may iilang konting problema sa kasagsagan ng kompetisyon, ngunit sa kabuuan ay naging matagumpay ang bancarera dahil sa mainit na pagtanggap ng mga maraming tao.