-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naging matagumpay ang Bombo Radyo Bancarera Sarangani Bay festival edition na ginanap sa Reyes Beach Resort, Brgy Gumasa Glan, Sarangani Province ito’y matapos dinagsa ng napakaraming tao na binubuo ng mga turista, beach goers, spectators at iba pa.

Walang pakialam ang mga tao sa sobrang init ng panahon, Kahit pasado alas tres na ng hapon ay hindi umalis ang mga nabanggit at naghihintay pa rin sila sa championship round.

Nanalo sa kompetisyon si Jevan Narawe mula sa Maasim Sarangani Province mula sa Team Sports Pacific matapos makuha ang pinakamaikling oras ng karera na 4 minuto at 20 segundo.

Naging first-runner din si Aljie Atal mula sa Maco Compostela Valley Davao de Oro mula sa team Doremon. Ang nabanggit ay may oras na 4 minuto at 38 segundo habang ang 2nd runner-up ay si Muhamar Basucao mula sa Maasim Sarangani Province mula sa Team Sports Pacific na may oras na 5-minuto at 1 segundo.

Nagpapasalamat ang Bombo Radio sa lahat ng mga saksi pati na rin ang lokal na pamahalaan ng Sarangani, LGU Glan, mga awtoridad, force mulitipliers, Phil. Coast Guard at iba pa.

Muling pinatunayan ng Bombo radio na ang bombo radio bancarera ay crowd drawer base sa dami ng kalahok at manonood. Tiniyak na mananatili ang entertainment na ito hanggang sa mga susunod na pagdiriwang sa Sarangani.