-- Advertisements --

Lumipat na sa Meralco Bolts si Chris Banchero matapos ang pagiging unrestricted free agency nito.

Nagtapos na kasi ang kontrata nito sa Phoenix nitong Enero 31 na nagbigay sa kaniya para malayang mamili ng koponan na kaniyang nais na salihan.

Labis naman ang kasiyahan ni Bolts coach Norman Black sa paglipat ni Banchero sa kanila kung saan malaking tulong ito sa kanilang koponan dahil sa mga karanasan nito sa paglalaro.

Si Banchero ay naging fifth overall pick noong 2014 PBA Draft.

Naging best player ng Fuel Masters ang 33-anyos na si Banchero noong 2021-2022 PBA Governor’s Cup na mayroong average na 18 points , 3.6 rebounds, 4.4 assists at 2.4 steals.