-- Advertisements --

Maraming fans ng British band na Oasis ang nagpahayag ng kasabikan matapos na nagpahiwatig ang mga miyembro ng banda ng reunion.

Sa social media account kasi nina Liam at Noel Gallagher ay nagpost sila ng “27.08.24” na kahalintulad ng kanilang logo.

Nag-comment ang nasabing mga fans at sinabing hindi na nila mahintay ang magandang balita ngayong Agosto 27.

Taong 2009 ng magkahiwalay ang grupo matapos ang naging awayan nila sa Rock en Seine festival sa Paris.

Nabuo ang grupo noong 1991 kung saan pinasikat nila ang mga kantang “Wonderwall”, “Don’t Look Back In Anger” at maraming iba pa.