-- Advertisements --

Ibinahagi ng mga miyembro ng bandang Parokya ni Edgar ang kanilang karanasan nang hindi makaalis sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa bagyong Kristine.

Sa post ng band members, sinikap umano nilang makabalik sa Metro Manila matapos ang dinaluhang event, ngunit inabutan na sila ng masamang lagay ng panahon.

Nabatid nakansela ang ang lahat ng flights, maging ang land at sea travels dahil sa peligrong dala ng sama ng panahon.

“Stranded kami sa Sorsogon.
Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip.
So naligo nalang kami sa ulan.
Stay safe, everyone!!!❤️”

PAROKYA NI EDGAR

At dahil stranded na sa Sorsogon, minabuti na lang nilang i-enjoy ang sitwasyon at naligo na lang sa ulan.

Makikita ang grupo ni Chito Miranda na walang mga damit at nasa gitna ng malawak na lugar.

Nanawagan naman ang mga ito ng pag-iingat sa lahat ngayong patuloy ang pananalasa ng bagyong Kristine.