-- Advertisements --

Matagumpay na itinaas ng mga tropa ng pamahalaan ang bandila ng Pilipinas sa Sandy Cay sa Pagasa Island sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos matagumpay na isinagawa ng mga ito ang inter agency maritime operation nuong April 27 ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad ang nasabing operasyon ay para pagtibayin muli ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga Cays na nasa loob ng 12 nautical miles sa Pagasa Island sa WPS.

Dagdag pa ni Trinidad ang pagtaas ng bandila ng Pilipinas ay patunay na walang katotohanan ang pahayag ng China Coast Guard na nasakop na nila ang Pagasa Cay 2.

Siniguro naman ng AFP na mananatili silang committed na panatilihin ang soberenya ng bansa, protektahan ang maritime domain at igiit ang ating karapatan na naaayon sa international laws.