Nagpaputok ang mga Israeli police sa labas ng Al-Asqa mosque sa Jerusalem, Israel upang paalisin ang libu-libong Palestinians na sumasamba upang gunitain ang Eid’l Adha doon.
Ayon sa isang Palestinian ambulance service, hindi bababa sa 14 na Palestinians ang nasugutan sa nasabing engkwentro at dinala sa ospital para ipagamot.
Nasa apat ding mga kapulisan ang kasalukuyang nagpapagaling.
Sa isang pahayag, nagpakalat umano ang mga pulis ng kanilang mga kasama sa nasabing moske upang bantayan sila, ngunit nagsimula raw magkagulo ang mga ito at sumisigaw ng “bruhana wadamana sanastarid ealayk al’aqsaa” na ibig sabihin sa Filipino ay “sa aming kaluluwa at dugo ay tutubusin ka namin, Aqsa”.
Upang hindi lumalala ang nagaganap na gulo sa sa Al-asqa mosque ay pansamantalang ipinagbawal muna ng mga pulisya ang pagpasok ng mga hindi Muslim na bisita, kabilang nga ang mga Hudyo na naglalayong gumawa ng isang paglalakbay sa panahon ng Tisha B’Av.
Ito ay taunang araw ng pag-aayuno sa Hudaismo. Tinatawag itong “ang pinakamalungkot na araw sa Hudaismo”.
Matapos humupa ang away sa pagitan ng dalawang grupo ay inihayag ni Jerusalem District Police Chief Doron Yedid na maari nang papasukin muli ang mga bisita sa pinangyarihan ng insidente ngunit mas marami mga pulis na ang nakabantay.