KORONADAL CITY – Nagpahayag ng sama ng loob si Banga Mayor Albert “Boyet” Palencia sa tila panghuhula at paala diumano ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa kanya kung anung buwan mamamatay ang nasabing alkalde.
Sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Koronadal sa alkalde, binigyang diin ng alkalde na pinupulitika siya ng gobernador dahil sa nagpahayag na ito ng suporta sa magiging katunggali nito sa darating na eleksiyon.
Maliban dito, hindi rin umano makatarungan ang ginawang pagrekomenda ng gobernador sa pag-relieve sa kanyang hepe na si PMaj. Joseph Forro III.
Ayon pa sa alkalde , dahil kontra partido siya ay pinag-iinitan umano ito kung saan labis niyang ikinagulat at ikinadismaya ang diumano’y pahayag ng gobernador na di na aabot sa buwan ng Marso ang buhay ni Mayor Palencia dahil mamamatay na ito.
Dahil sa nasabing pahayag, todo naman ang pag -iingat ni Mayor Palencia dahil baka maging totoo ang babala ng gobernador na ikinumpara nito noong bago pa man namatay si the late Mayor Pablo Matinong ng bayan ng Sto. Nino.
Matatandaan na isa ang alkalde ng Banga sa diumano’y kabilang sa mga narcopolitician na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit pilit na pinaninindigan ng alkalde na wala itong katotohanan.