-- Advertisements --

Dismayado si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na patutsada ng ilang kongresista ukol sa 2019 national budget, sa kabila ng paglagda na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahigit P3 trillion General Appropriations Act (GAA).

Dito ay na-veto rin ng chief executive ang P95 billion insertions ng lower House.

Bago ito, sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr. na buo pa rin daw “pork budget” ng mga senador, dahil hindi iyon kabilang sa na-veto.

Nabanggit pa ni Andaya na tila Pasko ngayon sa Senado, sa halip na mahal na araw.

Pero para kay Sotto, hindi dapat pagdudahan sa bagay na ito ang Pangulo na masusing sinuri ang pambansang pondo.

Giit pa ng Senate official, tagumpay ito ng mamamayan, lalo na ng mga kontra sa pag-iral ng pork barrel at hindi ng iilang may personal na intensyon.