-- Advertisements --

Nag-iwan sa hindi baba na 37 ang mga nasawi sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa isang highway sa southern part ng Bolivia, kabilang ang walong menor de edad.

Ayon sa ulat ng pulisya ito na ang pinakamalalang aksidente ng bus sa bansa ngayong taon. Habang dinala naman ang 41 na mga sugatan sa ospital.

Kabilang pa sa mga namatay ang limang banyagang Peruvians at isang tatlong taong gulang na batang babaeng German. Pitong iba pang menor de edad ang kabilang sa mga nasawi.

Batay sa report ng mga awtoridad nangyari ang aksidente ng madaling araw oras sa Bolivia sa isang makitid na daan habang papunta ang biyahe nito sa Oruro, kung saan ginaganap ang Oruro Carnival.

Ayon sa prosecutor na si Gonzalo Aparicio ang driver umano ng isa sa mga bus ay lasing at mabilis na nagmaneho dahilan para ito’y mag-overshoot sa kabilang linya ng daaanan na humantong sa malakas na salpukan sa papasalubong na bus.

‘So far it is known that a driver of one of the buses was under the influence of alcohol,’ ani Gonzalo.

Agad din namang kinumpirma ng isang opisyal na ang isa sa mga nakaligtas na driver ay ‘amoy alak’ kaya’t nagsagawa ang mga ito ng blood test.

Samantala kilalang delikado ang mga winding mountain roads sa Bolivia, kaya’t ang mga ito ay madalas na pinagmumulan ng mga aksidente. Ayon sa datos ng gobyerno, ang mga aksidente sa kalsada ay kumitil na ng buhay sa hindi babang bilang na 1,400 katao taun-taon.

Ayon sa ulat ng pulisya bago paman ang aksidente noong Sabado, may 64 na tao nang namatay na nauugnay sa isa pang road accident sa lugar ng Potosi ngayong taon.

Sa isang hiwalay na insidente sa Bolivia, kung saan hindi bababa naman sa 30 katao ang namatay nang tumaob ang isang bus sa isang 800-meter-deep ravine.

Ang insidente ay nangyari rin sa isang makitid na daan sa pagitan ng mga siyudad ng Potosi at Oruro, ngunit hindi naman inaalis ng mga awtoridad na ang dahilan ng mga aksidente ay dahil parin sa mabilis na pagmamaneho ng mga driver ng bus.

Noong Enero, isa pang aksidente ang nagresulta sa pagkamatay ng 19 na katao nang lumihis ang isang bus mula sa kalsada malapit sa Potosi.