-- Advertisements --

Nauwi sa “wild wild finish” ang harapan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat na umabot sa overtime game.

Sa huli namayani ang Lakers sa score na 120-117 sa kabila na hindi pa rin nakakalaro ang star player na si LeBron James dahil sa problema sa abdominal muscle.

Ang Miami naman ay minalas nang dumanas ng sprained ankle sa first half pa lamang ang kanilang main man na si Jimmy Butler.

Kumayod naman ng husto si dating MVP Russell Westbrook na nagtala ng triple double performance gamit ang 25 points, 14 assists, at 12 rebounds para sa ika-pitong panalo ng Lakers.

Ang big naman na si Anthony Davis ay nag-ambag ng 24 points at 13 rebounds.

Sa panig ng Miami nanguna si Bam Adebayo na nagtapos sa 27 points bago na-foul out.

Habang si Tyler Herro ay nagpakita ng 27 points pero inalat sa dalawang tangkang 3-point shots sa huling siyam na segundo sa overtime.