-- Advertisements --

Namayani ang Phoenix Suns sa labanan ng mga NBA top teams matapos na idispatsa ang Miami Heat sa score na 111-90.

Nagpakitang gilas ang top scorer na si Devin Booker na may kabuuang 23 points sa kanyang pagbabalik makalipas na hindi nakalaro ng apat na games.

Halos mag-triple double performance ang ginawa ni Booker na meron ding nine assists at eights rebounds sa kanyang all-around game.

Sa panig ng Miami ay hindi nakalaro ang kanilang All-Star na sa Jimmy Butler dahil sa karamdaman.

Sa ngayon nakatipon na ang Phoenix (53-13) ng kabuuang 53 wins bilang numero uno sa Western Conference.

Habang ang Miami (44-23) na lumasap ng ikatlong talo pa lamang sa huling 15 games ay nananatili pa rin namang number 1 sa Eastern Conference.

Nasayang naman ang ginawa nina Duncan Robinson na may 22 points, Bam Adebayo at Tyler Herro na kawpa merong 17 puntos.