Tulad nang inaasahan, nasulit ang pag-aabang ng mga NBA fans sa banggaan ng dalawang itinuturing na super teams sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Brooklyn Nets.
Walang humpay na palitan ng puntos ang nangyari at sa huli ay nanaig ang grupo ng big three nina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving laban sa kampo nina Kawhi Leonard at Paul George sa score na 124-120.
Exciting din na makita ang naturang limang superstars nang sabay-sabay sa loob ng basketball court.
Ayon kay Irving, na nagtala ng season-high na 39 points, nagawa nilang pantayan ang top players ng Clippers.
Para naman kay George na may 26 points, sana maulit ang kanilang match-up.
Aniya, masaya at mahirap mag-guwardiya kina Durant.
Sinabi naman ni Harden, na may ika-apat na triple double sa Nets gamit ang 23 points, 14 assists at 11 rebounds, ay nagsabi na ang maganda nilang depensa ang susi sa maayos nilang opensa.
Para naman kay Durant, aminado ito na mahirap supalpalin ang mga diskarte ni Kawhi kaya dapat lamang itong maging Hall of Famer.
“He’s a great player,” ani Durant kay Leonard. “He’s a Hall of Fame player so you just gotta make his shots tough.”
Ang 28 points ngayon ni Durant ay nagdala sa kanya para sa kabuuang natipon na 500 points sa loob lamang ng ika-17 laro bilang isang Net.
Ito na ang 2nd all-time para sa sinumang player na bago lamang sa isang team sa kasaysayan ng NBA.