-- Advertisements --

Umakyat na sa 21 ang patay sa lumubog na bangka sa Tunisia.

Karagdagang apat na mga bangkay ang narekober ng mga rescuer habang pito ang naka-survive sa nangyaring aksidente.

Umaasa si Sfax court spokesman Mourad Turki na nananatiling buhay pa ang apat o lima na mga missing na pasahero.

Una nito, sakay sa nasabing bangka ang 29 katao na kinabibilangan ng tatlong bata.

Una na ring narekober ng mga otoridad ang 17 mga bangkay.