-- Advertisements --
Nahulog sa gitna ng dagat sa Cantilan, Surigao del Sur ang isang ataul na may lamang bangkay matapos tumaob ang sinasakyan nitong motorbanca.
Ayon sa Phil. Coast Guard- Cantilan, tumaob ang motorbanca sa gitna ng karagatan habang bumabyahe ito upang ilibing sa karatig-isla ang dala-dala nitong bangkay.
Ligtas naman ang mga inidibidwal na sakay ng naturang bangka.
Ayon naman sa operator ng motorbanca, bigla umanong nawalan ng balanse ang bangka nang hampasin ito ng malalaking alon.
Samantala, agad namang kinuha at ibinalik sa punerarya ang nahulog na bangkay para sa wastong disposasyon nito.