-- Advertisements --

Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang commercial boat na pinaghihinalaang ginagamit sa ilegal na pangingisda

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang bangka ay natukoy sa pangalang FV Prince Shann Shann.

Naaktuhan umano ng PCG ang mga mangingisdang sakay nito na aktibong nangingisda sa loob ng municipal waters.

Tinatayang aabot sa pito hanggang walong kilometro ang layo nito mula sa baybayin ng Barangay Dalahican, Lucena City.

Paliwanag ng PCG, ang naturang bangka ay may mga unauthorized na gamit kayat malaki ang hinala nila na sangkot ito sa illegal fishing.

Tinatayang aabot naman sa P50 milyon ang market value na nakumpisakng fishing boat kasama na rito ang mga nakumpiskang paraphernalia.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang may-ari at operator nito alinsunod sa batas ng bansa.